Tatlong Dekada at Dalawang Taon : Kaarawan ng Nazareth Bahay Pag-Ibig

NAZARETH BAHAY PAG-IBIG @32
Sa paggunita ngayong araw, Oktubre 2, sa mga Anghel na Tagapagtanod ay ipinagdiwang din ang ika-32 taon ng Nazareth Bahay Pag-ibig, ang isa sa mga Home for the Aged na pinapangasiwaan ng Diyosesis ng San Pablo. Nag-umpisa ang pagdiriwang sa Banal na Misa na pinangunahan ni Reb. P. Rico de Luna at sinundan ng tanghalian.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Reb. P. Mardeo Reyes, ang Chaplain ng Charitable Institutions ng Diyosesis, na lahat ng tumutulong sa kapwang nangangailangan ay tulad din ng mga Anghel na Tagapagtanod at nagiging kasangkapan ng Diyos para ipadama ang kanyang pagkalinga sa lahat.
Scroll to Top