All About Divine Mercy Home for the Abandoned Elderly & Nazareth Bahay Pag-ibig

Ang Divine Mercy Home for the Abandoned Elderly at Nazareth Bahay Pag-ibig ay itinayo ni Rev. Fr. Mardeo Reyes kasama ang 4 na kapatid nyang pari kasama sa batch “SANDIGAN.” Ang pagumpisa nito ay nanggaling mismo sa inspirasyon ng Mahal na Birhen ng mga Dukha at sila’y binasbasan ng namayapang Obispo Most. Rev. Pedro Bantique.
Ang layunin nito ay maipatayo ng bahay ang mga matatanda, alagain sila, bigyan ng tulong pinansyal at materyal na bagay sa mga walang tahanan, may sakit, mga malapit ng mamatay, at may kapansanan.
Mga boluntaryo mismo ang tumutulong sa mga matatanda at may sakit bilang maglinis, magluto, maglaba, at iba pang gawain sa bahay. Nagsimula ang Nazareth Bahay Pag-ibig noong October 2, 1991 sa bahay na hiniram kay Ginoong Ruben at Ginang Dolores Alcantara sa #17 Schetelig Avenue. Noon ay lima (5) pa lamang ang mga matatandang inalagaan at ngayo’y madami na sila.
Ang mga may mabuting intensyon sa pagtulong sa Nazareth Bahay Pag-ibig at Divine Mercy Home for the Abandoned Elderly ay hinihikayat upang masunod ang utos ng Diyos na tulungin ang mga dukha at matatanda ayon sa 1 Timothy 5:8, “But if anyone does not provide for his relatives, and especially for members of his household, he has denied the faith and is worse than an unbeliever.”
About The Author
